Schweighart kahihiyan sa Pinas, dapat lang isoli ang korona | Bandera

Schweighart kahihiyan sa Pinas, dapat lang isoli ang korona

Cristy Fermin - November 03, 2016 - 12:25 AM

imelda schweighart

HAY, NAKU! Dapat lang talagang bitbitin na ng kanyang ina pabalik sa New Zealand ang sentro ng mga upak ngayon sa social media na si Imelda Schweighart.

Kababayan natin siya, kinatawan siya ng ating bansa sa Miss Earth 2016, pero sa halip na sang-ayunan ng mga Pinoy ang ginawa niyang pamimintas sa nanalong Ecuadorian ay siya pa ang niresbakan ngayon ng ating mga kababayan.

At nagtaka pa ang kanyang ina kung bakit siya bina-bash ngayon, hindi ba alam ng ina ni Imelda na ang kanyang anak ang nang-imbita ng ganitong senaryo, kaya ginagawang pulutan ngayon sa social media ang palengkerang beauty queen kuno?

Nakakainis nga naman si Imelda, sa halip na manahimik na lang siya dahil ni hindi nga siya pinalad na makapasok sa labingwalong kalahok sa pilian ay umarya pa siya nang hindi tama, ipagsigawan ba sa buong mundo na retokado o peke ang baba, boobs at ilong ni Miss Ecuador?

Nakakahiya ang babaeng ito na super-bitter sa hindi niya pananalo. Para siyang sumali lang sa isang kumpetisyon sa barangay sa kakukuda, kaya dapat lang niyang isoli ang korona bilang Miss Earth-Philippines, hindi siya karapat-dapat.

Marami rin naman tayong kinatawan sa iba-ibang kumpetisyon na buong-pusong tinanggap ang hindi nila pagwawagi, para sa kanila ay sapat nang napasali sila at dinala ang bandila ng Pilipinas, hindi tulad nitong si Imelda Schweighart na akala mo natalo sa sabong sa katitili at kapipintas sa nanalong Miss Earth 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending