Duterte kampanteng mananalo si Pacquiao vs Vargas

manny pacquiao at jessy vargas

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na kampante siyang mananalo si Sen. Manny Pacquiao sa kanilang laban ni Jesse Vargas sa Thomas & Mack Center, Las Vegas sa Nobyembre 5.

“Hindi naman ako boxing expert eh but I hope… If it does happen, it does happen. Sana mas madalian kasi pagka, it goes beyond 7, 8, pagod na ‘yan tsaka wala na masyado. I hope it comes within the first 2 rounds. Kung masapaw ni Manny ‘yan, down ‘yan, sigurdo ‘yan,” sabi ni Duterte.
Idinadag ni Duterte na ipagdarasal niya si Pacquiao sa kanyang laban.
“Sabi nila pagka si Manny Pacquiao ang kalaban mo, talagang pagkatapos, katawan mo, bugbog sarado. Maski saan ka matamaan. ‘Yung joint mo para daw gumaganun eh, hindi pa siya champion pero alam ko na that he has that miracle knock-out punch. Pag nadaanan ka niyan, bagsak ka talaga,” ayon pa kay Duterte.

Read more...