Unang bagyo ng Nobyembre papasok bukas

pagasa
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan nitong bagyo na nasa dagat Pasipiko ngayong araw.
     Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration tatawagin itong Marce pagpasok sa PAR.
     Kahapon ng umaga ang bagyo ay nasa layong 1,315 kilometro sa silangan ng Visayas.
     Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras. Ang hangin nito ay umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pabugsong 55 kilometro bawat oras.
     Mayroon pang isang bagyo sa labas ng PAR subalit maliit umano ang tyansa na pumasok ito ng PAR.
     Ang low pressure area naman na nasa loob ng PAR ay nalusaw na.

Read more...