SA SINGAPORE pala nag-spend ng long vacation (Undas) sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Mukha ngang going strong ang relasyon ng dalawa at mas masaya sila kapag sila’y nagbabakasyon from their showbiz commitments.
Sa pagbabalik nila ay muling haharap sa respective works ang dalawang Kapamilya stars, pero marami ang curious kung paano maaapektuhan ang kanilang love affair ngayong nagsimula na ngang magtrabaho uli para sa isang teleserye sina Ge at Kim Chiu.
Marami ang nagsasabing mature na mature na ang pananaw ni Gerald tungkol sa love at naniniwala sila na hindi nito lolokohin si Bea.
Pero may mga nagsasabi namang hindi rin malayong bumalik ang pagmamahal nina Kim at Gerald para sa isa’t isa lalo na kapag halos araw-araw na silang magkasama. Basta huwag daw maging kampante si Bea dahil mapaglaro nga naman ang tadhana.