Dagdag bonus ng GOCCs, WDs kinuwestyon ng COA

coa
Kinuwestyon ng Commission on Audit ang P727.71 milyong bonus na ibinigay ng walong Government-owned and controlled corporations at 55 water districts sa kanilang mga tauhan noong 2015.
     Ayon sa 2015 Annual Financial Report on GOCCs pinakamalaki ang bonus na ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang mga opisyal at tauhan na nagkakahalaga ng P429.82 milyon.
      Sumunod ang Philippine Deposit Insurance Corp. (P98.71 milyon), National Food Authority (P59.286 milyon), Land Bank of the Philippines (P38.509 milyon), Food Terminal Inc. (P8.073 milyon), Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (P4.688 milyon), National Tobacco Administration (P2.012 milyon), at DBP Data Center Inc. (P1.708 milyon).
     Kasama ang Philippine Economic Zone Authority at Development Bank of the Philippines sa listahan subalit ang halaga na nakasaad ay “NQ” o not quantifiable.
     Ang 10 namang water district na nagbigay ng kuwestyunable umanong bonus ay ang
Baguio Water District (P35.166 milyon), Cagayan de Oro City WD (P11.95 milyon), Pagadian WD (P4.323 milyon), Orani WD (P4.005 milyon), Baliwag WD (P2.853 milyon), Bugallon WD (P2.497 milyon), Butuan City WD (P2.479 milyon), Legazpi City WD (P2.362 milyon), Binmaley WD (P1.954 milyon), at Sagay WD (P1.948 milyon).
     Ayon sa COA ang kinukuwestyong halaga ay ibinigay bilang additional compensation, extra personnel economic relief allowance, at other allowances, benefits and incentives.
     “Payment of adcom, PERA and other allowances or benefits …were without bases (and) contrary to existing laws, rules and regulations,” deklarasyon ng COA.
     Ipinag-utos ng COA sa mga GOCC at WD na huwag ng ituloy ang pagbibigay ng naturang mga kompensasyon hangga’t wala itong legal na batayan.
      Ang dagdag na benepisyo ay kailangang aprubado ng Office of the President at Governance Commission for GOCCs.
30

Read more...