Matteo emosyonal nang alalahanin ang lolo: First time kong umiyak sa TV!

 

HINDI napigilan ni Matteo Guidicelli na mapaiyak sa nakaraang episode ng Magandang Buhay kahapon. Ito’y matapos niyang mapanood ang video message ng kanyang pamilya para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Mas lalo lang naging emosyonal ang boyfriend ni Sarah Geronimo nang alalahanin ang kanyang lolo na pumanaw last year.

“First time kong umiyak sa TV. Kasi you know Nonno (palayaw ng kanyang lolo) always wanted to see me do all of these. I believe na even if we lose somebody in our life, he or she is always there watching us. Kumbaga, kahit anuman, kahit akala natin wala na sila, they are still there in front of us, on top, guiding us and hopefully proud of us,” ani Matteo.

Kuwento pa ng binata, nagtayo pa sila ng isang Italian resto sa Cebu, ang Trattoria da Gianni, na ipinangalan nga sa kanyang lolo.

Plano rin ng binata na pasukin ang pagpo-produce, “Sana maging producer ako, pwede ako maging producer. Anything, live events, movies, documentaries.”

“I want to learn more and learn more about the industry, about filmmaking and all these things. Sana in the future I can produce events for other artists,” aniya pa na pinaniniwalaang paghahanda na niya at ni Sarah sa pagbuo ng sariling pamilya.

Read more...