Parks kinuha ng Westchester Knicks sa 2016 NBA D-League Draft

MULING nakabalik si Bobby Ray Parks sa NBA D-League matapos kunin ng Westchester Knicks sa ginanap na 2016 NBA D-League Draft Lunes.

Ang 23-anyos na guard ang naging huling pick sa 2016 NBA D-League Draft ng Westchester Knicks na ikawalong napili sa ikaanim na round.

Naunang naglaro si Parks sa NBA D-League noong isang taon bilang miyembro ng Texas Legends.

Siya ay naglaro sa 32 laro at nag-average ng 4.6 puntos at 1.9 rebounds kada laro para sa Legends.

Ang 6-foot-4 at dating  National University star player na si Parks ay huling naglaro para sa Philippine men’s national basketball team sa ginanap na 2016 FIBA Olympic qualifying tournament sa Pilipinas.

Matapos na maglaro para sa Gilas Pilipinas, binalikan naman ni Parks ang kanyang pangarap na maging kauna-unahang Filipino-born player na nakapaglaro sa NBA.

Hindi napili si Parks sa 2015 NBA Draft subalit naimbitahan siya ng Dallas Mavericks para maglaro sa kanilang Summer League team.

Ang Westchester Knicks ay sasabak naman sa kanilang opening game sa Nobyembre 13 (US time) laban sa Delaware 87ers.

Read more...