Judge na huwahawak sa kaso ng Maguindanao massacre target ang CA o Sandigan

Judge-Jocelyn-Solis-Reyes

TARGET ng judge na humahawak sa  Maguindanao massacre ang posisyon sa Court of Appeals (CA) o Sandiganbayan.

Kabilang si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa mga aplikante bilang bagong  associate justice sa CA na magkakaroon ng bakanteng posisyon sa Disyembre 1 sa pagreretiro ni Associate Justice Agnes R. Carpio at dalawang posisyon naman ang mababakante sa Sandiganbayan sa pagreretiro nina Associate Justice Napoleon Inoturan at Associate Justice Jose R. Hernandez sa Nob. 22.
Bukod kay  Reyes, kabilang sa mga aplikante ay sina Quezon City RTC Judge Angelene Mary V. Quimpo-Sale, Makati RTC Judge Selma P. Alaras at Pasay City RTC Judge Eugenio Dela Cruz.
Noong isang taon, nasa shortlist din si Reyes sa CA.
Nauna nang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong isang taon na umapela siya kay Reyes na manatili sa kasong hinahawakan.

Read more...