LIGTAS na nailikas ang siyam na pamilyang Pinoy mula sa bayan na malapit sa epicenter ng napakalas na 6.6 magnitude na lindol sa Italy noong Linggo, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ni DFA assistant secretary Charles Jose na kabilang sa nailigtas ng Philippine Embassy sa Rome ang 31 indibiduwal mula sa Norcia, kahapon ng umaga matapos na rin ang kahilingan mula sa mga biktima.
“They are currently sheltered at the Casa Per Ferie Rogate in Rome. The Embassy arranged full board and lodging,” sabi ni Jose sa text message.
Nauna nang kinumpirma ni Jose na wala namang nasaktan na mga Filipino sa nangyaring lindol na naging dahilan ng pagguho ng maraming makasaysayang simbahan at kung saan tinatayang 3,000 katao ang nawalan ng bahay.