Alma kay Mark: Hindi madali ang pinagdadaanan namin, mahabang laban ito!

alma moreno at mark anthony fernandez

SPEAKING of Alma Moreno, nakiusap itong huwag nang masyadong idetalye pa ang latest news about her son Mark Anthony Fernandez, who according to Ness requested more prayers and moral support.

“Hindi talaga madali ang pinagdadaanan. Mahaba-habang legal battle but let’s pray po sana na malampasan naming lahat ito,” sey ni Ness na super grateful din sa mga projects na nakukuha niya.

Since she lost her Senatorial bid at nagdesisyong mag-lay low muna sa pulitika, feel nga ni Ness na magpaka-aktibo uli sa showbiz.

Kung kelan naman daw sana may time na siya to at least work with her sons and daughter na nasa showbiz na rin, saka pa raw sila nagkaroon ng matinding  challenge.

“Pero dapat tayong mas maging strong ngayon. Pagsubok lang ito. Sa dami na ng pinagdaanan namin alam kong kahit masakit at mahirap, may maganda itong pupuntahan. Masakit sa inang gaya ko ang mga pangyayari, pero isa na siguro sa natutuhan ko sa buhay ang lumaban ng parehas,” sey pa ng maganda pa ring aktres na tuwang-tuwa sa role niya sa Tsuperhero bilang nanay ni Derrick.

Magiging reunion project din nila ito ni Gabby Concepcion na naging leading man din niya noong araw.

Read more...