‘Naging instant fan kami ni Morisette Amon!’

morissette amon

HUMIGIT-KUMULANG na tatlong oras na tila naka-welding ang aming mga puwet sa pag-upo sa van ni Tita Cristy patungo sa Solaire Resort & Casino nitong Biyernes.

Usad-suso (at a snail’s pace) ang mga sasakyan sa mga binaybay naming kalye mula sa TV5 kaya we never made it on time sa dapat sana’y alas siyete y medyang pagsisimula ng “Powerhouse” concert tampok si Arnel Pineda, 4th Impact, Michael Pangilinan, Morisette Amon at iba pa.
Almost three hours ‘yon na nagmistulang “nag-bonding” ang gutom, pagkasuklam sa matinding traffic,

kawalan ng pag-asa kung aabot pa ba kami sa palabas, isama pati ang pagpipigil ng sasabog na naming mga pantog na punumpuno ng ihi.

Pero sa ngalan ng pagtupad sa “pidido” (thanks, Tita Cruz, sa bago naming natutunang salita which means commitment) sa isa sa pitong producer ng Lucky 7 Koi Productions na si Tita Lily Chua, inimadyin na lang naming pasasaan ba’t makakarating din kami sa aming destinasyon.

Late man kami ng dating, mahabang bahagi pa rin ng show ang aming nasaksihan, mula sa solo number ng napakahusay palang si Morisette (we became her instant fan), sa malakas na stage presence ng apat na magkakapatid who finally settled with their group name at ang show-stopping performance ng diminutive pero hayop-sa-galing na si Arnel.

Sayang at hindi na kami umabot sa number ni Michael who sang “One Last Cry” and the other artists who performed ahead.

Pero sa lahat ng mga nagtanghal, ang spiels ng 4th Impact ay hindi lang aspirational, kapuri-puri ang iginawad nilang pagpapahalaga sa inang nagluwal sa kanila. Ang nanay raw kasi ng magkakapatid ang tumahi ng kanilang one-piece shimmering white dress ng gabing ‘yon.

Para sa amin, ang pagtataas nila sa kanilang ina—who we suppose ay isa ring mahusay na mang-aawit—created the strongest impact.

Hindi lang kasi ang nananahi ng kanilang mga kasuotan sa mga pagtatanghal nila, it’s their mother who has woven all her four daughters into a tapestry of values na siyang susi sa tagumpay ng mga ito.

Read more...