Marian, Baby Zia lucky charm ng Alyas Robin Hood

marian rivera
PARA sa mga adik na adik pa rin sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood after Encantadia, narito ang mga eksenang mapapanood tonight.

Isang panibagong modus ang papasukin ni Wilson (Dennis Padilla). Gagamitin niya si Albert Dimaculangan, Power Bank manager na may utang sa kanya upang ilipat ang pera ng mga kliyente sa dummy account na ginawa ni Wilson. Dale pati ang pera ni Judy (Jaclyn Jose) sa kooperatibang sinalihan niya noon. Ipanggagamot pa naman niya ito sa cancer ni Cynthia. Kasabay nito, papayuhan naman ni Armando (John Feir) si Pepe (Dingdong Dantes) na utakan si Wilson sa pera dahil sa paraang ito lang niya mabibitag ang tusong Chinese.

Magkakaroon ng hearing para imbestigahan ang kinalaman ni Daniel (Paolo Contis) kay Alyas Robin Hood. Gigisahin nina Cha (Ces Quesada) at Paras sina Daniel at Sarri (Megan Young). Sususpindihin si Daniel sa trabaho. To the rescue naman si Dean (Sid Lucero). Sasabihin nitong tutulong siya para malusutan nina Daniel ang gusot nila.

Kasabay nito, may makikilalang magician sina Venus (Andrea Torres) at Frida sa plaza, si Jojo (Joross Gamboa). Susunod si Jojo sa pag-alis ng dalawang babae. Pag-uwi nina Venus sa kanila, malalaman ni Frida na nawawala ang susi niyang dala. Makikitang nagmamatyag sa kanila si Jojo, hawak ang susi.

Susundan ni Pepe si Wilson. Makikita niya itong papasok sa Power Bank kasabay halos si Judy. Malalaman ni Judy at kasama nitong si Mang Ted, lider ng kooperatiba, na nawala ang ipon nila sa bangko. Ibabalita ito ni Judy kay Pepe sa phone.

Uuwi na si Wilson nang ma-withdraw ang milyones niya sa Power Bank. Pagsakay niya sa kotse niya, idudunggol ni Pepe ang pintuan sa noo ni Wilson. Mawawalan ng malay ang lalaki. Imamaneho ni Pepe ang kotse.

In fairness, tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas ng rating ng Alyas Robin Hood, sabi nga ng ilang fans ni Dingdong sana raw laging dumalaw sa taping nila ang kanyang mag-inang Marian Rivera at Baby Zia dahil ang mga ito raw ang lucky charm ng Primetime King.

Read more...