Sulat mula kay Juliet ng Calagundina, Mati, Davao Oriental
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay second year college sa kursong HRM ang problema kop o may bagong prof po kami at ang guwapo nya at naka-crush po ako sa kanya. Kaya kapag subject na niya ang aattenand ko masayang-masaya po ako at nag-aaral akong mabuti para mapansin niya. Ang kaso hindi po niya ako napansin hanggang sa natapos na ang sem, pero mataas naman ang grade na ibinigay niya sa akin. Ang tanong ko po ma chance kaya na magka-crush din sa akin si Sir at puwede kaya na maging boyfriend ko siya. Kinikilig po ako kapag naiisip ko yong tagpo na yon. July 10, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Juliet ng Davao Oriental
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Queen of Spades, Two of Spades at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat kalungkutan lamang ang aanihin mo sa pagkakaroon mo ng crush kay Sir, sa una ay maligaya pero sa bandang huli ay kabiguan din. Subalit pag dating ng taong 2017, may bagong pag-ibig at pakikipag-relasyong darating.
Palmistry:
Dalawa ang nakitang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow 1. at 2-M arrow 2) sa iyong palad, isang maikli (arrow 1.) at isang mahaba (arrow 2.). Ibig sabihin kung si Sir ang first crush mo at kinikilig ka talaga sa kanya, tulad ng nasabi na, hindi pa siya ang unang magiging boyfriend mo kundi ang padating pa lang na ikalawa (arrow 2.).
Itutuloy….
May crush kay Sir
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...