Horoscope, October 30, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Wag magpadaig sa mga taong may negatibong pag-iisip. Kung papairalin ang tapang malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, okey pa ring makisama sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 24, 30, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Nakahanda na ba ang mga kandila at bulaklak? Upang hindi ma-traffic sa pag-punta sa mga namayapang mahal sa buhay, ngayon palang dalawin na sila. Sa ganyang paraan, “dahil ang mga patay ay buhay pa rin naman” ipapanalangin ka nilang bigyan ng magagandang kapalaran. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Maroon at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mahirap mawalay sa pamilya, pero kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Kung paanong lagi mong naalala ang kasuyo, ganon din naman siya sa iyo. Darating ang araw magbubunga ng ibayong pagpapala ang pagtitiis ngayon. Mapalad ang 3, 15, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.” Gray at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Isang Aquarius ang biglang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong maigi at palitan na ang nagtututong ng underwear! Mapalad ang 5, 18, 23, 26, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Om.” Green at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi ka makapili sa maraming option, wag mag alaala, ang kapalaran ang pipili para sa iyo. Ang mahalaga laging magdasal at manalangin sa Maykapal. Sa pag-ibig, kusang darating ang paborableng sitwasyon upang mairaos ang init ng katawan. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Manhata-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Walang pag-asenso kung laging aasa sa ibang tao. Panahon na upang tumayo sa sariling mga paa. Sa pag-ibig, sa pagkakataong ito, hindi sila ang dapat masunod, kundi ang tinitibok ng iyong puso. Mapalad ang 2, 11, 16, 27, 34 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agna-Agara-Om”. Red at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kusang darating ang malaking halaga ng salapi! Matutong magtipid at mag ipon upang hindi na muling maubusan ng pera. Sa pag-ibig, simpleng date na lang ang dapat para hindi magastos. Mapalad ang 4, 14, 21, 25, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Yellow at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi pupuwedeng wala kang ginagawa sapagkat ang mga Libra ay madaling nanghihina kapag tatamad-tamad at hihila-hilata. Sa pag-ibig, mamayang gabi may pangako ng isang masarap na romansa. Mapalad ang 5, 11, 23, 28, 33 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. White at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang gawing kumplikado ang pakikipag-relasyon – manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 14, 26, 39, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Om-Govinda”. Purple at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang laging pagpalaain ang bawat araw, magsimba muna o kaya’y laging dumaan sa bahay dalanganin. Kung ikaw ay taong madasalin, kahit anong pagsubok ang dumating hindi ka mabibigo, sa halip lalo pang lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 19, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Maroon at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, sipagan ang pagte-text ng mga sweet messages sa minamahal upang matuloy na ang binabalak mong lapanggahin siya ng husto. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Purple at red ang buenas.

Read more...