Sikat na male celebrity masarap magmahal pero sobrang seloso | Bandera

Sikat na male celebrity masarap magmahal pero sobrang seloso

Cristy Fermin - October 30, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0412

MATINDING magmahal pero sobrang seloso. Ganu’n kung ilarawan ng kanyang mga katrabaho ang isang guwapo at magaling na aktor. Sobrang suubin ng pagmamahal ng lalaking personalidad ang kanyang girlfriend.

Nakikita ‘yun sa kanyang mga kilos, sa kanyang pananalita, kahit pa hindi sila umaamin ng aktres na sila na nga. Pero sobrang seloso pala ang aktor na gustung-gusto ng ating mga kababayan.

Kuwento ng kanilang mga kasamahan ay palaging pinagsasabihan ng aktor ang kanyang karelasyon na huwag basta-basta magtitiwala sa mga kaeksena nitong lalaki. Distansiya raw dapat palagi ang kanyang GF.

Sabi ng aming source, “Masarap siyang magmahal, pero sobrang seloso si ___ (pangalan ng guwapo at sikat na aktor), halos wala nang kinakausap na lalaki sa set ang girlfriend niya.

“Kahit sa mga eksena niya, kailangang hindi masyadong niyayakap ng mga lalaki sa istorya ang girl, parang bilang na bilang ang mga kilos nilang lahat, dahil magagalit ang boyfriend ng girl!

“So, para wala na lang gulo, hindi na lang kumokontra ang girl, sunod na lang siya nang sunod sa gustong mangyari ng boyfriend niya. Mahirap ‘yun, di ba?” nanghihingi ng komentong sabi ng aming impormante.

Maganda ang aktres, bagay na bagay sa kaguwapuhan ng aktor, matagal na silang magkarelasyon, pero wala pa silang inaamin nang lantaran.

“Kulang sa tiwala sa GF niya ang guy, pero mas kulang siya ng tiwala sa sarili niya. Palagi siyang insecure. E, ano pa ba naman ang ikai-insecure niya, e, nasa kanya na ang lahat-lahat? Sikat na sikat siya, super-guwapo, ang dami-daming humahanga sa kanya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mga promdi para hindi n’yo mahulaan kung sinu-sino ang mga starring sa ating kuwento!” pagtatapos ng source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending