Gabi Ng Lagim sa Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special

jessica soho

HINDI kumpleto ang paggunita ng Undas ng mga Pilipino kung wala ang mga katatakutan sa telebisyon. Mula noong 2013, binago ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang itsura, porma, at pamantayan ng paggawa ng Halloween Specials.

Ang mga tunay na karanasan ng kababalaghan ng mga manonood, maliban sa pagkuha ng mga aktwal na video, litrato at testimonya, mala-pelikula ring isinadula ng mga batikang direktor. Dito na isinilang ang ngayo’y nasa ika-apat na taon nang “Gabi ng Lagim Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special”.

Tatlong kuwento ang muling hahamon sa tapang at pang-unawa ng mga manonood: “Diplomat Hotel”, “Paupahan” at ang “Pangil: The Exorcism of Clarita Villanueva.” Lahat ‘yan ngayong gabi na sa KMJS sa GMA 7.

Read more...