Solenn: Gagawin ko ang gusto ko kahit anong sabihin nila!

solenn heussaff

MAGANDA, sexy, matalino, artistic at friendly—ilan lang ‘yan sa mga dahilan ng fans kung bakit iniidolo nila ang Kapuso actress-TV host na si Solenn Heussaff.

Napakagaan ng vibe ni Solenn kaya marami ang gustong maging katulad niya. Isang It Girl by nature, ibinahagi niya ang sikreto kung bakit meron siyang positive vibe sa mga tao at kung paano niya nae-enjoy ang life.

“The secret is I don’t try to become someone I’m not. I don’t want to stress myself with things that I have no control of. Paggising ko, I’m just me and I do things that I want regardless of what other people would say. If I’m happy, I’m inspired, I also make people happy,” pahayag pa ni Solenn.

Napapanood pa rin si Solenn sa fantaseryeng Encantadia sa GMA Telebabad after 24 Oras. Kuwento ng sexy actress, marami pa kayong dapat abangan sa Encantadia, lalo na sa karakter niyang si Cassiopeia. Tiyak daw na ikasa-shock ng mga Encantadiks ang mga susunod na episodes ng serye kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw.

Read more...