Lagot: Prince Stefan hinahanting ng hunk actor

prince stefan

HALA, gaano naman katotoo ang tsismis kapatid na Ervin na diumano’y hinahanting ngayon si Prince Stefan ng isang young actor na kunwaring “off the air” daw nitong pinangalangan ang isang aktor na bading din?

After kasing magpakontrobersyal ng bading na aktor na ikinuwentong pinagtripan niya noon si Aljur Abrenica nang sabay silang maligo sa isang bathtub kung saan nakita niya ang pagkalalaki ni Aljur, may mga binanggit pa itong male celebrities sa showbiz na aniya’y mga beki rin.

At isa nga rito ang madalas na ma-tsismis na award-winning na young actor na may emote ding “hunk” at madalas ding maging cover boy ng mga magazines, what with his “hairy” body?

Ang tsika, agad itong nakarating sa hunk actor, galit na galit daw ito at talagang hinahanting na si Prince, may banta rin daw ito laban sa dalahirang bading kapag nagkrus ang landas nila. Ha-hahahaha!

Read more...