JaDine dedma sa reklamo ng mga moralista

nadine lustre at james reid

“HINDI kasi sila choosy at walang arte-arte. Very mature mag-isip at gumawa ng desisyon,” sey ng isang nakakaunawa sa pagpayag nina James Reid at Nadine Lustre na gawin ang intimate scenes sa Till I Met You sa loob ng kotse.

Ayon pa sa isang nakausap namin, “Mature na ang audience nila at expected na ang mga ganu’ng uri ng eksena dahil na rin sa kanilang mga karakter. Ano naman ang pangit du’n? Ano’ng sinasabi nilang bad influence sa kabataan?”

May nagkomento pa nga na sayang naman daw ang pagpapaganda ng katawan ni James kung hindi nito ise-share sa kanyang fans.

Very true, lalo pa’t hindi naman banong umarte sina James at Nadine. Tsaka, nangyayari naan talaga sa tunay na buhay ang ginawa nilang mga eksena sa kotse, di ba?

Talaga lang sa mga sikat na loveteams ngayon sa showbiz, kakaiba ang pagiging mapangahas at pagiging palaban ng JaDine pagdating sa love scenes at halikan – at saludo kami sa kanila bilang mga aktor.

Read more...