Hiling ng fans: Kristoffer, Joyce magbalikan na kayo, please!

joyce ching at kristoffer martin

SAKSI si Thea Tolentino sa tamis ng samahan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching kahit wala na silang relasyon.

Magkakasama sa GMA afternoon drama na Hahamakin Ang Lahat sina Kristoffer, Joyce at Thea. Kaya naman sa post ni Thea sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang picture ng ex-lovers na nagsusubuan ng cake!

“#KrisJoyMatamisanMoment Sige na…Ubusin niyo na ang cake!” caption ni Thea habang pasimple siyang nakatingin sa dalawa.

Pero sa totoo lang, kahit na naghiwalay na sina Kris at Joyce, wala pa ring bad blood sa pagitan nila. Tuloy pa rin ang pagsasama nila sa proyekto kaya naman sigaw ng fans nila, “Magbalikan na kayo!”

Sa Lunes na ang simula ng bagong afternoon family drama ng GMA na Hahamakin Ang Lahat. Kasama rin dito sina Ariel Rivera, Snooky Serna at Eula Valdez.

Read more...