Derek pinaligaya ang mga matrona’t bading
PAG-AARI ni Derek Ramsay ang dalawang luxury cars na ginamit sa sex-drama movie niyang “The Escort.” Sa kuwento, kept boy siya ng asawa (Jean Garcia) ng isang mayor (Rommel Padilla) na pinatigil maging escort, binihisan, ginawang part owner ng escort service agency kaya sunod ang luho ng katawan.
“Walang bayad ‘yon, huh!” bulalas ng producer ng movie na si Mother Lily Monteverde after ng premiere night kamakalawa ng gabi sa SM Megamall cinema 2.
Sa movie, hindi naman mabibigo ang mga babae, matrona at bading na patuloy na nagpapantasya sa magandang katawan ni Derek. Hindi nagdamot ang aktor, pareho siyang may laplapan at lampungan with Jean and the lead actress sa movie na si Lovi Poe na tinanggalan ng bra ni Derek at hinubaran ng panty ni Christopher de Leon.
Eh, palaban din sina Jean at Lovi – ngasaban talaga sila ng mga labi at kulang na lang ay mag-espadahan ang kanilang mga dila, huh! Sarappppppp! Hahahaha!
But more than the erotic scenes, nagagamit na ni Derek ang mga mata sa pag-arte. Masaya ang mata niya kapag happy ang eksena, malungkot kapag nakaraan na niya ang napag-uusapan at may landi kapag babae na ang kaharap!
Malaki na talaga ang improvement ni Derek bilang aktor. Hindi na lang ang katawan niya ang papansinin sa movie kundi ang kakayahan niyang umarte. Nagawa nga niyang makipagsabayan ng pag-arte kay Christopher, huh!
Of course, pak na pak din ang pag-arte nina Boyet, Lovi, Jean pati na ang supporting cast. Panapaw ang mga hirit ni Dimples Romana bilang isa sa escorts ng kumpanya ni Derek. Tiyak na magiging bukambibig ang binitiwan niyang dialogue na, “Babalik na ako sa pag-uuuhh! At pag-ahhh!” na ang tinutukoy ay ang halinghing niya pag may katalik na customer! Panalo rin ang eksena niya kung saan nabiktima siya ng sadistang customer.
Ang isa pang ikinaganda ng pelikula ay ang dayalog ng mga artista. Very real at walang pretensyon ang mga hugot.
At siyempre, gusto rin naming purihin ang magandang direksyon ni Enzo Williams. After “Bonifacio Unang Pangulo”, ipinamalas niya sa bagong obra na epektibo rin siyang director ng sex-drama. Pero hindi tradisyunal ang atake niya. No wonder, hindi pa nga naipalalabas ang pelikula ay may bago na agad siyang proyekto.
Tikman ang bagong putahe mula sa Regal Films na “The Escort”, binigyan ito ng R-13 without cuts rating ng MTRCB.
Sa premiere night ng “The Escort” sinuportahan si Derek ng kanyang parents at ng kanyang girlfriend na si Joanna Villablanca na friend din ni Lovi kaya wala raw siyang selos o pagkailang na nadama habang pinanonood ang movie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.