Epy Quizon sumugod sa PNP, nagpa-drug test | Bandera

Epy Quizon sumugod sa PNP, nagpa-drug test

- October 28, 2016 - 07:32 PM
SUMUGOD ang aktor na si Jefrrey “Epy” Quizon, anak ng comedy king na si Dolphy, sa Camp Crame, para magpasailalim sa drug test sa PNP Crime Laboratory Biyernes ng umaga. Kasama ni Epy na nagtungo sa tanggapan ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, si Cesar Montano.  Alas-11 ng umaga nang humarap sila kay Bato.  Ayon sa source, hindi niya alam kung anong dahilan ng aktor para magpasailalim sa drug test.

“I don’t know their justification for the drug test. Normally we don’t do drug test for civilians except for criminal cases. Some have their excuse to avail of LTOPF (license to own and possess firearms),” ayon sa opisyal na tumangging pangalanan.

Ayon dito, ilalabas lang ang resulta ng test sa requesting party.

Gayunman, sa isang video na ipinost ni Cesar sa kanyang Facebook account, sinabi nito na gustong patunayan ni Epy na malinis na siya at hindi na gumagamit ng droga gaya nang dati.

“Tignan po natin si Mr. Epy Quizon voluntarily magpapacheck kung siya po ay negative. Magpapapdrug test po siya,” pahayag ni Cesar sa kanyang Facebook video.

Hinikayat naman ni Epy ang mga kapwa artista na gumagamit ng droga na sumuko na sa pulis.  “Sumuko na kayo!” 

Ayon pa kay Cesar: “Actually, matagal na siyang tumigil but gusto lang niyang linisin ang isipan ng lahat ng tao lalo na sa mga close na kaibigan and kamag-anak na clean na siya matagal na at gusto niyang maging isang mabuting testimony sa lahat that [taking] drugs isn’t good for you lalo na sa mga kabataan.” 

Inilabas din ni Cesary ang larawan niya at ni Epy kasama si dela Rosa. Sinabi nito na mismong si dela Rosa ang nag-escort kay Epy sa crime laboratory para magpa-drug test.

Una nang nagpahayag ang PNP na nasa 54 na ang pangalan ng mga celebrities ang kasali sa drugn list na isinumite kay Pangulong Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending