Courtesy call ni Duterte kay Japanese Emperor Akihito kinansela

duterte-0517

KINANSELA ang courtesy call ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Emperor Akihito matapos ang pagpanaw ng kanyang tiyuhin na si Prince Mikasa.
Ipinaabot naman ni Duterte ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ni Mikasa.
“I’d like to express my deepest condolences,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na sinabihan siya ng protocol officer na wag nang magpunta.
“Nasa stage sila ng mourning, I respect that because I would ask for the same request if in his shoes,” ayon pa kay Duterte.
Pumanaw si Mikasa, na kapatid ng ama ng Emperor sa edad na 100.
Samantala, sinabi ni Duterte na bukas siya sa joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“Yes in general term no problem,” dagdag ni Duterte.

Inaasahan naman ang pagdating ni Duterte sa Davao City kagabi matapos ang official visit sa Japan.

Read more...