Piñol nagsori matapos ang baliktad na bandila ng PH

pinol

NAGSORI si Agriculture Secretary Manny Piñol matapos namang baliktad na watawat ng Pilipinas ang nailigay habang nagbibigay ng powerpoint presentation sa harap ng mga negosyatenteng Hapones sa Prince Hotel sa Tokyo, Japan.

“I apologize for the mistake and assure our countrymen that I had no intention of declaring war against anybody. It was all an honest mistake,” sabi ni Pinoy sa isang pahayag.
Makikita sa power point presentation ni Pinol na nasa itaas ang kulay pula ng bandila ng Pilipinas imbes na ang asul ang nasa itaas.
“One of the slides which showed President Rody Duterte shaking hands with Japanese Prime Minister Shinzo Abe displayed a Philippine flag with the red banner up,” dagdag ni Pinol.
Aniya, Miyerkules ng gabi lamang niya nakuha ang kopya ng power point.

“The material was emailed to me from Manila only last night. I was not able to prepare ahead of time because I was not advised that I would be making a presentation during the business forum. It was Philippine agriculture attache Dr. Sam Animas who received the emailed power point presentation,” ayon pa kay Pinol.
Kasama si Pinol sa official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan kung saan nakatakda naman siyang bumalik ng bansa kagabi.

Read more...