Isang nagtitinda ng pagkain sa palengke ng San Juan City ang nanalo ng P27.5 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Oktobre 22.
Pumunta sa tanggapan ni Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ay 70 taong gulang, may asawa at apat na anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 9-10-21-31-41-2. Ang mga numero ay nakursunadahan lamang niyang tayaan.
Nagkakahalaga ng P60 ang taya niya ng manalo. Siya ay nagsimula umanong tumaya noong 1996.
Plano niya na mamuhunan sa negosyo at magtabi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
MOST READ
LATEST STORIES