PADAMI pa nang padami ang bilang ng mga celebrities na dawit sa ilegal na droga na minamanmanan ngayon ng pulisya.
Kahapon ay 24 pang pangalan ng mga artista, kabilang ang ilang TV host at mga musikero, ang napasama sa listahan na isinumite na raw kay Pangulong Duterte.
Hindi malayong mas dumami pa ito lalo pa’t ngayon ay na nasa Phase 2 na ang Oplan Tokhang na sesentro naman sa mga kilalang tao – sila na mga Very Important
Meron na raw 12 kilalang mga tao – congressman, gobernador at maging military generals ang sangkot din sa ilegal na droga. Hindi lang yan, meron na rin sigurong mga bigating negosyante, mga bantog na pangalan mula sa mga malalaking grupo ng mga mayayaman ang mapapabilang sa listahan.
Hindi malayong pansamantalang isasantabi na muna ang mga ordinaryo at mahihirap na sangkot sa droga, at bibigyang pansin na ang mga nasa alta-sosyodad, sila na ang bahay ay hindi basta-basta mapasok ng mga pulis, sila na kailangan ay maayos ang gagawing trato sa oras ng pag-aresto, at sila marahil na hindi makikita sa kalye na nakatimbuwang at may kara-tulang “pusher ako, ‘wag tularan.”
Ayon kay Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Regional Police Office, nasa 54 na ang mga artista ang diumano’y may link sa illegal drug trade at ngayon ay minomonitor na ng PNP.
Hinihintay na lang ay kung kaya ba ni Digong na pa-ngalanan ang mga artista at mga VIP at personal na bantaan, gaya nang ginawa niya sa ilang mga opisyal ng gob-yerno at pulis na sangkot sa droga na ipinahiya sa harap ng publiko?
Nagsalita si PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya nakakatiyak kung papa-ngalanan ni Digong ang mga “high profile” na nasa listahan. Hirit pa ni Bato, bahala na ang pangulo kung gusto niyang pangalanan ang mga ito o hindi na.
Ang mga artista ay hati rin ang opinyon kung dapat o hindi pangalanan ang kanilang mga kabaro na nasasangkot sa ilegal na droga.
Si Robin Padilla na isa sa pinakamalapit na suporter ni Digong mula sa mundo ng showbiz ang nanawagan na huwag nang pangalanan ang mga celebrities na dawit sa droga. Pero marami rin naman sa kanila ang pabor na ilabas ni Digong ang listahan sa publiko, basta tiyakin lamang na ang mga papangalanan ay tumpak at hindi haka-haka lamang.
Oo nga naman, bakit kailangan itago ang listahan ng mga artista na sangkot sa ilegal na droga? Bakit kaila-ngan iba ang trato sa kanila kumpara sa trato na iginawad sa mga maliliit na user at pusher? Bakit kailangan double standard ang pairalin sa gera laban sa droga?
Kung tutuusin nga, mas higit na kailangang pangalanan ang mga artistang sangkot sa droga. Hindi ba’t sila ay iniidolo at hininahangaan ng kanilang mga fans. Kung minsan nga ay ginagaya pa? Ano na lang ang ehemplong maibibigay nila, lalo sa mga kabataan?
Hindi dapat mag-urong-sulong si Digong sa kanyang kampanya laban sa droga; kung kailangan pangalanan ang mga artista at iba pang VIP na sangkot sa ipinagbabawal na gamot, gawin niya ito na walang pag-aagam-agam.