Kristoffer, Joyce walang takot na sumabak sa halikan; hubad kung hubad sa teleserye

kristoffer martin at joyce ching

SIGURADONG ikakawindang at ikaka-shock ng mga loyal fans ng Kapuso loveteam na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang mga gagawin nilang eksena sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Hahamakin Ang Lahat.

Magsisimula na ito sa darating na Lunes kung saan makakasama rin ng KrisJoyce tandem ang mga magagaling na veteran stars sa local showbiz, kabilang na sina Eula Valdez, Snooky Serna at ang nagbabalik-Kapuso na si Ariel Rivera.

Sa trailer pa lang ng Hahamakin Ang Lahat, ipinatikim na nina Joyce at Kristoffer kung gaano sila ka-daring sa kanilang mga role. First time magsusuot ng two-piece bikini si Joyce habang sandamakmak daw na topless scenes ang gagawin ni Kristoffer.

Bukod pa raw diyan ang mga kissing scene at love scene ng dalawa. Sa trailer meron nang ipinakitang halikan sina Kristoffer at Joyce na kinunan pa sa swimming pool, kaya wet look ang emote ng magka-loveteam.

Joyce will play Rachel Tan Ke in the series, siya ang gaganap na anak ni Eula (as Ivy Tan) sa kuwento pero ang makikilala niyang ina ay ang kapatid nito to be played by Marina Benipayo. Mabubuntis siya ng kanyang boyfriend pero bigla siyang iiwan nito at tatakasan ang responsibilidad.

Gagampanan naman ni Kristoffer ang karakter ni Junjun Labsat, anak ni Laura (Snooky) na mai-in love kay Rachel at handa siyang gawin ang lahat para mahalin siya nito.

The story revolves around the repeating fates of a mother and her child who both had to bear the agony of not being able to be with the man they truly love because of the struggles and conflicts they encounter in winning the approval of their family.

Makakasama rin dito sina Thea Tolentino, ang magiging third party sa relasyon nina Kristoffer at Joyce, Chinggoy Alonzo, Marc Abaya, Jett Pangan, Renz Valerio, Mona Louise Rey at Bruno Gabriel, sa direksiyon ni Don Michael Perez. Mapapanood na ang Hahamakin Ang Lahat sa Lunes, pagkatapos ng Oh, My Mama sa GMA Afternoon Prime.

Read more...