Luis nagpa-drug test uli, Aljur negative sa droga

luis manzano at aljur abrenica

PARA sa mga nagdududa sa resulta ng drug test ni Luis Manzano kung saan nag-negative siya sa paggamit ng kahit anong uri ng droga, muli siyang nagpa-drug test gamit ang sample ng kanyang buhok.

“Passed” uli ang resulta ng nasabing drug test na proud na proud na ipinost ni Luis sa kanyang Instagram account. Una nang nagpa-drug test ang TV host gamit ang urine sample. Mas accurate raw kasi paggamit ng buhok kesa sa ihi.

Sey ni Luis, “Some people weren’t happy with the urine test saying the most accurate is through Hair drug panel test. Done!”

Ito’y matapos namang kumpirmahin ni PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na isang TV host mula sa isang top-rating program ang nasa bagong celebrity drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ibig sabihin, hindi si Luis ang nasa bagong drug list.

Negative rin ang resulta sa isinagawang drug test sa Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica. Ibinandera rin nito sa Instagram ang kanyang pagiging drug free citizen, “I’m proud to be high on life not on drugs.”

Dagdag pa ni Aljur, “This is to signify my support for a Drug-Free Philippines. I’m proud to be high on life not on drugs.”

Samantala, bukod sa kilalang TV host na nasa bagong drug list ni Duterte mula sa NCRPO, meron din daw ilang TV at radio personalities, pero wala raw broadcast journalist sa listahan.

Read more...