Actor na-takeout ni actress; bading na kongresista siguradong uusok ang ilong

TIYAK na uusok ang ilong sa galit ng isang kongresista kapag nalaman niya ang himalang ginawa ng kanyang “boyfriend” sa katatapos na isang event ng isang TV network.
Ang katatapos na night ball ang simula ng ating kwento ngayong araw.
At posibleng alam na ninyo na ang ball na nangyari ay dinaluhan ng mga artista.
Dahil sosyalan ang event kaya todo-bihis ang mga stars na dumalo sa event noong gabing iyon.

Napansin ng isang sikat at seksing aktres na mainit ang ulo at nakikipagtalo sa isang kapwa artista ang bida nating aktor sa kwento.

Kaagad daw niya itong nilapitan at hinila sa isang gilid at pilit na pinakakalma.

Dahil nagkasama na sila sa ilang mga nagdaang shows at telenovela kaya magkakilala na sila at hindi na nagkakahiyaan pa.

Napansin ng ating Cricket na iba ang tingin ng seksing aktres sa aktor na tila ba ay inaakit niya ito.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang silang nawala sa eksena at yun na nga ang mga sumunod na pangyayari.

Kinabukasan ay ibinida ng aktor sa ilang kaibigan na iniuwi raw siya ng aktres noong gabing iyun.

Parang naulit na ang ganitong kwento. Noong isang taon ay isang sikat at gwapong aktor din ang iniuwi ni aktres makaraan ang kanilang annual ball.

Dahil sa pangyayaring iyun, tiyak na may isang bading na kongresista ang magagalit. Kilalang benefactor ang bading ng nasabing aktor.

Malaki na rin ang naging gastos ni Cong. sa aktor na ito na binilhan na rin niya dati ng isang mamahaling sports car.

Ang actor na na-take out ng isang seksing aktres ay si Mr. C….as is Cue.

Ang aktres naman na bida sa ating kwento ay si Ms. A….as in Adidas.
Para sa reaksyon at tanong, i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09163025071 o sa 09999858606.

Read more...