NASA 30 artista na hinihinalang may konek sa droga ang nasa listahang isinumite ni PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.
Sinabi ni Gen. Bato na ang celebrity list na ibinigay niya sa Malacañang ay galing sa National Capital Region Police Office, iba pa ito sa listahang nasa kamay na ni Digong.
“Yung listahan na nakarating sa akin, lalo na yung galing sa NCRPO, ipinasa ko na sa Malacañang at idagdag na iyon sa listahan ni Presidente. Meron siyang mga celebrity watchlist.
“Yung sa NCRPO na sinabmit sa akin, around 30 celebrities. Baka iba pa yung na kay Presidente. Mas marami yung sa kanya,” pahayag ni PNP chief sa panayam ng GMA News.
Ayon pa sa PNP chief, ang mga artistang nasa NCRPO celebrity drug list ay nakuha mula sa mga drug suppliers at users na naaresto sa mas lalo pang pinatinding anti-drug operation ng gobyerno.