Derek galit na galit nang dinakma ng beki sa pwet; ilang beses nang nahipuan sa mall show

lovi poe at derek ramsay

“R-13 Without Cuts” ang ibinigay na rating ng MTRCB sa sex drama film na “The Escort” under Regal Entertainment.

Ayon kay Ms. Roselle Monteverde Teo, very happy sila ng kanyang inang si Mother Lily Monteverde sa R-13, at mas bongga dahil walang pinatanggal o ginunting na eksena sa pelikula.

Ibig sabihin lahat ng ginawang sex scene at kissing scene ng mga bida sa movie na sina Lovi Poe at Derek Ramsay ay mapapanood ng mga susuporta sa “The Escort”, kabilang na ang kontrobersyal nilang eksena sa swimming pool.

Bukod pa yan sa mga love scene nina Derek at Jean Garcia at nina Christopher de Leon at Lovi. Showing na sa Nov. 2 ang “The Escort” sa direksyon ni Enzo Williams.
Kaya sa lahat ng mga kalalakihang naglalaway sa kaseksihan ni Lovi at sa mga girls at beki na nagpapantasya kay Derek, hindi raw kayo mabibitin sa sandamakmak na sex at matitinding drama sa movie.

Samantala, sa nakaraang presscon ng pelikula ay natanong si Derek kung may mga natatanggap ba siyang indecent proposal mula sa mga matrona at bading dahil nga sa imahe niyang palaban pagdating sa sex.
Umamin naman si Derek na may nag-aalok sa kanya ng mga one night stand kapalit ng kotse, trips abroad pero wala raw siyang pinatulan sa mga ito. Marespeto naman daw niyang tine-turn down ang mga indecent proposal para hindi ma-offend ang mga ito.

“I just put it in a respectful way na ‘No, I’m not that kind of guy’, they respect it,” sey ni Derek sa isang panayam.
Inamin din ni Derek na minsan na rin siyang hinipuan ng bading sa pwet, “Na-offend ako nang hawakan niya yung puwet ko.
“And I grabbed him very hard and I told him, ‘Don’t you ever do that again if you wanna be my friend!’ He’s very comfortable with me,” aniya pa.

Pero after daw ng insidenteng yun ay naging good friends na sila. Dagdag pa ni hunk actor, ilang beses na rin siyang nahipuan sa mga mall show at out of town events lalo na kapag nagkakagulo na ang mga tao.

 

Read more...