Ryza Cenon umani ng papuri sa ‘Manananggal’

ryza cenon

WE HAVE one word naman for GMA Artist Center star Ryza Cenon dahil sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Manananggal Sa Unit 23B” na isa sa mga nominado sa katatapos lang na QCimena Film Festival 2016.

Kaya naman masayang-masaya si Ryza na maging parte siya ng pelikulang ito kaya’t taos-puso niyang ipinaabot ang kaniyang pasasalamat sa isang Instagram post.

Aniya, “Ngayong gabi natapos ang screening ng ‘Ang Manananggal sa unit 23B,’ at ito na ang pagkakataon ko [upang] magpasalamat sa lahat. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kay Lord dahil ibinigay niya sakin ‘tong blessing na ‘to dahil matagal ko itong ipinagdasal sa kanya na makuha ko at ibinigay niya sakin.

“Salamat din sa QCinema for recognizing me at isa ako sa mga nominated bilang Best Actress. Sa bumubuo ng ‘Ang Manananggal sa Unit 23B,’ salamat sa pag-aalaga sa akin at sa paniniwala na kaya kong ilipad si Jewel pataas at nalipad ko nga siya!

“Sa mga co-actors ko, Tita Vangie congrats po, Martin, and Cholo, salamat rin sa support. Hindi magiging makulay ang buhay ni Jewel kung hindi dahil sa inyo.”

Read more...