PATAY ang driver ng isang heavy equipment matapos makuryente sa nakabitin na mga linya ng kuryente na nasira naman matapos ang pananalasa ng supertyphoon Lawin sa Quirino.
Maghahatid sana si Rodolfo Sumulat ng ready-mix concrete para sa ginagawang daan sa Barangay Villa Pascua nang umakyat siya sa taas ng kanyang trak para itali ang mga nakabitin na kawad ng kuryente na nakaharang sa kanyang daraanan sa Limos.
“But the line turned out to be a live power cable,” sabi ng pulisya.
Tumilapon si Sumulat mala sa trak. Siya ay dinala sa Quirino Provincial Medical Center sa bayan ng Cabarroguis, bagamat idineklarang dead on arrival.
MOST READ
LATEST STORIES