Mark Anthony napaiyak nang dalawin ni Grae sa kulungan

mark anthony at grae fernandez

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, nakita ng Kapamilya teen star na si Grae Fernandez ang amang si Mark Anthony na umiyak sa kanyang harapan.

Dinalaw na ng binatilyo ang ama sa kulungan kamakailan at dito nga sila nagkaroon ng chance na magkausap kahit ilang oras lang. Ayon kay Grae, okay naman daw ang kalagayan ni Mark sa loob pero awang-awa pa rin siya rito.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Grae sa nakaraang 10th Star Magic Ball na solong dumating sa event, naikuwento nga niya ang kundisyon ng ama sa kulungan.

“Opo nadalaw ko na, okay naman po siya, pero naiiyak po siya sa akin for the first time, at first time ko ding nakita na umiyak siya,” pahayag ng bagets.

Tungkol naman sa madamdamin niyang tweet para kay Mark, sinabi ni Grae na ito ang isa sa mga paraan niya para maipagtanggol ang kanyang tatay sa mga bashers, “Siyempre po para po hindi naman na po mahusgahan ng maraming tao, kasi hindi naman nila nakikita yung kabaitan ng tatay ko at hindi naman nila nakita lahat ng sufferings sa life niya. Ang nakita lang ng mga tao yung nasa balita.”

Read more...