PARA sa lahat ng mga nagdududa sa resulta ng drug test ni Jake Cuenca, handa raw siyang muling sumailalim sa voluntary drug testing para patunayang hindi siya gumagamit ng anumang uri ng droga.
May kumalat kasing balita na dinoktor diumano ang resulta ng kanyang test para mag-negative siya sa paggamit ng illegal drugs.
“My reaction was, ‘I knew it!’ Nag-volunteer ako for the drug test because I knew and I told my handler that if you guys wanna do this, random, all these things, you can do that, just to prove to everyone.
“Para lang makita ng mga tao na artista kami, but we’re being responsible. But like I’ve said, I can do it anytime, let’s do this random,” sabi ni Jake na mapapanood na sa pelikulang “Mulat”.
MOST READ
LATEST STORIES