Paolo mangangabog sa Tokyo filmfest, may chance mag-best actor

paolo ballesteros

LUMARGA na si Paolo Ballesteros kahapon para dumalo sa Tokyo International Film Festival.

Kalahok dito ang movie niyang “Die Beautiful” na obra ni Jun Lana. Magkasama sila ni direk Jun na bumiyahe pa-Japan.

Sa nasabing film festival ay nakahanda nang mangabog ni Paolo. Dito kasi niya naipakita nang bonggang-bongga ang husay niya sa make-up transformation.

Wala pang pahaging si Pao kung sino ang gagayahin niyang personalidad sa pagrampa niya sa red carpet. But looks like ang sarili na lang niya ang kanyang pagagandahin dahil sa movie, incidental lang ang panggagaya niya sa Hollywood celebrities, huh!

Sana, manalo si Paolo ng acting award sa “Die Beautiful” para sulit na sulit ang pagpunta nila sa Tokyo na hindi naman imposible dahil balita namin, napakagaling ni Paolo sa nasabing pelikula.

Read more...