Kilalang aktres matumal ang trabaho kaya pumayag magbenta ng katawan

BLIND ITEM WOMAN 0226

AWA ANG naramdaman namin sa kilalang aktres dahil madalang pa sa patak ng ulan kung magkaroon siya ng project, kaya ang balita ay pinasok na nito escort service business.

Hindi namin sigurado kung bread winner ang kilalang aktres, pero siguro naman kailangan din niyang mabuhay maski na hindi naman siya maluho ay may pang-araw-araw din siyang pagkakagastusan.

Bagama’t exclusive contract siya sa isang TV network, e, hindi naman siya network contract kaya gutom siya kapag walang project.

Hindi nga namin alam kung bakit hindi siya nabibigyan ng projects, e, magaling naman siyang umarte kumpara sa aktres ding kasabayan niya noon na hindi nawawalan ng proyekto.

Hindi nga lang matsika ang kilalang aktres dahil siguro nahihiya siya o dahil baka may alam na may sideline siyang iba. Nu’ng ikuwento ito sa amin ay naawa kami at naintindihan namin kung bakit siya umabot sa ganu’n.

Read more...