Annulment case nina Jodi at Pampi hindi kinatigan ng korte

 

JODI STA. MARIA

JODI STA. MARIA

HINDI pa rin puwedeng pakasal sina Jodi Santamaria at Jolo Revilla. Ayon kay Manay Lolit Solis na family friend ng mga Revilla sa kanyang DZBB report, hindi kinatigan ng Court of Appeals ang annulment na inihain ni Jodi laban sa estranged husband niyang si Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson.

Nagkabalikan na sina Jodi at Jolo matapos maghiwalay. Ang approval ng annulment ng korte ang kanilang hinihintay upang selyuhan ang kanilang relasyon.

Dahil sa nangyari, natulad ng kapalaran ang aktres kay Amy Perez na hindi naaaprubahan ang isinampang annulment sa unang asawa na si Brix Ferraris. Pero sa motion for reconsideration ni Amy, pumanig sa kanya ang korte at napawalang-bisa ang kasal nila.

Tiyaga-tiyaga lang si Jodi dahil malay natin, ma-gaya ang kaso niya kay Amy, huh!

Read more...