Aiza napamura sa madugong rally sa US Embassy: Ano ‘to!?

aiza seguerra

AFFECTED much si Aiza Seguerra sa kanyang napanood na video kaugnay ng violent dispersal sa mga raliyista sa harap ng US Embassy kamakailan.

At one point nga ay napamura pa si Aiza na chairman of the National Youth Commission.

“Put***ng ina! Anong klase to?!!!!!” came her reaction on one video she posted on her Facebook account.

“Wala lang sa Pilipinas ang Presidente ganyan na ang mga asta ninyo?! Kahapon, water cannon tapos kanina tear gas at sinagasaan niyo pa! Hindi ninyo maja justify at madedeny kung anong ginawa ninyo dahil may video! Mananagot kayo dito!” say pa niya sa isang post.

Sa isa naming item where the police denied running over the raliyista, ito naman ang reaction ni Aiza, “Wala kayong lusot dito!”

Grabe rin ang reaction ng netizens sa mga video which Aiza reposted on her Facebook account.

“Hay nabigla ako sa nakita ko walang awa yong nasa police van talagang intensyon na sagasaan ang mga tao. Nakakagalit talaga ang ginawa ng mga kapulisan. Na high blood talaga ako sa mga pangyayari.

Masyadong OA namsan naman yata ang nagutos ng ganun.

“Bakit kailangan sa ulo hinataw yong sa jeepney driver. Kawawa talaga ang mga nasugatang mga raliyesta . O jan mo makikita ang pulis brutality,” wailed one supporter of Aiza.

“I was almost hysterical watching the barbaric deeds of this men in uniform! Yan ba ang tinatawag na maximum tolerance?? Granting na may pagkakamali ang protesters hindi pa rin tama ang karahasan,” say naman ng isa pa.

“Did you see the driver they pulled out of the jeepney and repeatedly struck him???? My heart bleeds,” one guy said.

Read more...