Jake Cuenca hiwalay na uli sa dyowang foreigner: Ayoko na, final na talaga!!!

jake cuenca at sarah kelly

ILANG linggo lang matapos magkabalikan, muli na namang naghiwalay sina Jake Cuenca at Sara Grace Kelly.

Kinumpirma ito ng Kapamilya hunk actor sa presscon ng award-winning film na “Mulat” na ipalalabas na sa commercial theaters sa Nov. 2 kung saan kasama rin ang palabang sex star na si Loren Burgos at ang magaling magkotrabida na si Ryan Eigenmann sa direksyon ni Diane Ventura.

“Yes, we broke-up. This is it. But yes, nagkabalikan naman kami for about three months. Sinubukan namin (ayusin ang relasyon), pero wala, e. This is our second break-up and, I think, this is the final one.”

Nang tanungin kung posible pa ba silang magkabalikan (uli), “No, hindi na talaga and I don’t think she’s coming back. I think she’s home. But we still follow each other on Instagram, nakikita naman namin ang ginagawa namin. But right now, we’re not talking.”

Hirit pa ni Jake, “Ayoko na. Sinubukan namin. I can say it didn’t work out. She will always have a special place in my heart. I know, she feels the same way But ano, e, conflict of interests.”

Ayon pa sa binata, talagang hindi pwede ang long distance love affair para sa kanila ni Sarah. Inamin din niya na nanghihinayang siya na hanggang dito na lang ang relasyon nila.

“Now, I’m moving forward. One thing I learned in life, after this break-up kahit artista ka, kahit intact ka sa emotion mo, it’s never good to sit on a problem. You always have to move forward and take challenges to be better,” paliwanag ni Jake.

Read more...