Julia Montes umalis na sa Star Magic, lumipat sa manager ni Sam

julia montes

HABANG on-going ang presscon ng upcoming concert na “Divas Live In Manila” nina Angeline Quinto, Kyla, KZ Tandingan at Yeng Constantino ay nakausap namin ang manager ng apat na singer na si Erickson Raymundo tungkol kay Julia Montes.

Si Erickson din ang producer ng “Divas Live In Manila” kaya hands-on siya sa promo ng concert. Nang makita namin siya sa presscon ay kinumusta namin ang bago niyang alaga, ito ngang rumored girlfriend ni Coco Martin na si Julia Montes.

Yes bossing Ervin, pagkalipas ng 12 years na pamamalagi ni Julia bilang talent ng Star Magic ay lumipat na ang Doble Kara star sa Cornerstone Talent Management na pag-aari ni Erickson na siya ring namamahala sa career ng leading man niya sa Doble Kara na si Sam Milby.

“Actually, hindi kami magkakilala talaga ni Julia, nagulat na lang ako na one of my staff told me na gusto akong makausap, gusto akong i-meet. Siyempre nakakagulat, bakit?

“Then I found out na matagal na pala siyang nagpaalam sa Star Magic, kina Mr. M (Johnny Mahahan) at Ms. Mariolle (Alberto). Tapos ‘yun nga, gustong magpa-manage sa akin. Nagtanong ako at sabi, career move, the usual na sinasabi ng artista kapag nagpapalit ng manager.

“Ang ginawa ko, bago ako um-oo kay Julia, nakipag-meeting ako kina Mr. M at Ms. Mariolle, kasi ayoko namang masira ang magandang relasyon ko sa Star Magic just for one artist.

“Maganda ang pag-uusap namin, nagbigay sila ng blessing at natutuwa sila na sa akin daw lumapit. Pagkatapos nag-usap kami ni Julia at willing daw siya sa lahat ng plano namin,” kuwento ni Erickson.

Hmmmm, kelan kaya ulit kami makakadalaw sa taping ng Doble Kara? Gusto naming tanungin nang personal si Julia kung bakit bigla siyang umalis sa Star Magic. May mas malalim kaya siyang dahilan bukod sa career move?

Read more...