Mga patay na singer susugod sa Superstar Duets

superstar duets

SIMULA na ng round 3 ng kompetisyon sa Superstar Duets ngayong Sabado ng gabi. At hindi lang sa ibayong dagat manggagaling ang international superstars na makaka-duet ng celebrity contestants, dahil aabot sa kabilang buhay ang panawagan nilang makasama sa kantahan ang mga idol nila.

Kilalanin ang UPM o Unyon ng Patay na mga Mang-aawit at kung sinu-sino sa mga sikat na recording singers na namayapa na ang ipapadala nila para tulungan ang mga celebrity contestants na sina Joross Gamboa, Nar Cabico, Divine Grace, Osang, Rita Daniela at Jerald Napoles.

Isang iconic English jazz superstar, isang best-selling American diva at ang King of Pop pa mismo, ang unang sasalang sa kantahan this week.

Kaninong performances naman kaya ang papasa sa pandinig ng super judges?

Alamin lahat ‘yan ngayong Sabado sa Superstar Duets hosted by Jennylyn Mercado pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Read more...