Male TV host na-depress, nag-iiyak sa shower

BLIND ITEM MALE 0504

THIS TV host feels strongly for Kris na balitang iniyakan ang kawalan niya ngayon ng direksiyon as far as hosting is concerned.

Hindi na kami magbabanggit ng pangalan, pero tulad ni Kris, hosting is also his métier. Kung sa tagal ay matagal na rin sa larangang ito ang subject ng aming kuwento.

Totoong nothing lasts forever. Nagising na lang isang araw ang TV host ding ito na nakatakda nang sibakin ang kanyang kinabibilangang programa. Ang masaklap, while his co-hosts had found a new show, he was junked without any promise of getting hired again.

Dumating ang finale episode ng show, hindi man pumatak ‘yon ng Good Friday ay Biyernes Santo ang mga mukha ng staff. Malungkot din ba ang host na wala nang trabaho? No. On the contrary, pangiti-ngiti pa siya, but those were hollow smiles.

Lumipas ang ilang araw ay saka lang nag-sink in sa kanyang kamalayan na tapos na ang kanyang hosting career. He had to vent his emotions habang dumadaloy sa kanyang mukha ang pumapagaspas na tubig sa shower habang siya’y naliligo.

Yes, iniyakan din ng mahusay na TV host ang pagkawala ng kanyang programa, when he couldn’t fathom the reason why gayong he believed he had given it his best shot.

Masakit, pero totoo: walang forever. But one thing does exist: the worst things happen to the best of us.

Read more...