MATAPOS ang pagkalas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika, ginawa naman ng Philippine National Police (PNP) na maskara sa Halloween ang mukha ni US President Barack Obama.
Ipinamahagi ng mga pulis ang mga nakakatakot na maskara para sa Halloween kasama ang mukha ni Obama.
Itinanggi naman ni Senior Supt. Gilbert Cruz, director ng PNP Police Community Relations Group (PCRG) na isinama ang mukha ni Obama sa mga maskara para sa Halloween para ipahiya ang pangulo ng US matapos naman ang pahayag ni Duterte na kakalas na ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa Amerika.
“We’ve been getting many requests to produce Obama masks so I thought, there’s no problem with that. So we used their curiosity to relay our objective of teaching them crime prevention tips,” giit ni Cruz sa isang panayam ng INQUIRER.net.
Aniya, epektibo ang mga maskara para iparating sa publiko na mag-ingat.
“Kapag flyers, ‘yung iba tinatapon nila (They just throw away flyers). So ngayon (Now) they keep the masks, they bring it home and give to their children. Ayaw kasi naming masayang ‘yung project namin. Kung anong mas makakapukaw ng atensiyon nila, ‘yun ang gagamitin namin,” aniya.
READ NEXT
1 Pinoy crew, kapitan ng isang Koreanong barko dinukot ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Tawi-Tawi
MOST READ
LATEST STORIES