Aldub handa nang magpalitan ng ‘I do’; susunod na ang honeymoon

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

ALAS-SAIS pa lang daw nang umaga ay present na sina Alden Richards at Maine Mendoza nang gawin ang pre-nup pictorial nila kaugnay ng magaganap na bonggang kasalan ngayong Sabado sa Eat Bulaga.

Sa Facebook account ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde namin nalaman na ginawa pala ang pictorial sa 38 Valencia Events Place na malapit lang sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga.

Sosyal na sosyal ang dating ng place. Bumagay ‘yon sa wedding outfit na ginamit nina Alden at Meng.

Yayamanin ang dating ng pictorial subalit nandoon pa rin ang kasimplehan at kilig na hatid ng AlDub loveteam.

Ang bongga sa ginawang pictorial ng dalawa, walang bayad o renta sa venue! Ganoon ka-generous si Mother Lily lalo na’t best friend niya si Mr. Tony Tuviera. Basta kina Mother at Mr. T, walang perang pinag-uusapan, huh!

Abangan din kung paano tatakbo ang wedding ceremony ng AlDub at kung magkakaroon uli sila ng kissing scene kapag sinabi na ng pari sa ending ng wedding ang mga katagang, “you may now kiss the bride!” At siyempre, ang next question diyan, saan mangyayari ang honeymoon?!

Bukas, Sabado, ang big day nina Alden at Maine. Spread the word AlDub Nation at muling patunayan ang inyong matinding powers sa Twitter, Facebook at Instagram world!

Read more...