Mga epektibong paraan upang magka-baby

Sulat mula kay Merlyn ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Naisipan ko sumangguni sa inyo upang itanong kung nakikita din ba sa kapalaran ng isang tao kung kailan siya magkaka-anak o mabubuntis? Kasi anim na taon na kaming nagsasama ng mister pero hanggang ngayon wala pa rin kaming anak. Masipag naman kaming gumawa ng baby at nagawa na namin halos ang lahat ng mga paraang ina-advice ng mga friend namin, pero until now bigo pa rin kaming makabuo. Sana sa tulong mo ay malaman namin ang mga epektibong paraan upang magka-baby upang makumpleto na ang aming pamilya. Kung magkaka-anak pa kami kalian kaya at kung hindi naman okey lang kayang mag-ampon at ano ang magandang birthday ng batang aampunin naming? June 13, 1985 ang birthday ko at February 10, 1983 naman ang mister ko.
Umaasa,
Merlyn ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag muna kayong mag-ampon ng baby, dahil kitang-kita naman sa iyong palad ang malinaw at mahabang Children Line (Illustration 1. arrow 1.). Ibig sabihin konting tiis at konting tiyaga pa, basta’t wag patulo lang kayong magalik at umasa, sa takdang panahong inilaan ng dakilang katalagahan, magkaka-buo din kayo.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Queen of Diamonds at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang pagkainip at kalungkutan ngayon ay mapapalitan ng saya at tuwa sa susunod na taon 2017 sapagkat sa iyong sinapupunan, sa nasabing taon, sa edad mong 32 pataas mabubuo ang isang malusog at matalinong sanggol na papangalanang “Pinagpala.”
Itutuloy….

Read more...