PATAY ang apat na katao matapos ang pananalasa ng supertyphoon “Lawin” sa northern Luzon na nagdala ng napakalakas na hangin at ulan at mga pagbaha sa mga bayan at naging sanhi ng paglikas ng libo-libong mga residente.
Sinabi naman ng mga opisyal na bahagyang humina ang bagyo matapos tumama sa mga kabundukan habang palabas ng South China Sea.
Ayon sa ulat, dalawang construction worker ang namatay matapos matabunan ang kanilang barong-barong sa nangyaring landslide sa La Trinidad, Benguet, samanatalang nalunod naman ang dalawang residente dahil sa baha sa Ifugao, malapit sa Benguet.
“We can’t go out because the wind is so intense, trees are being forced down,” sabi ni Councilor Elisa Arugay sa panayam ng dzMM na mula sa Barangay Camasi, Cagayan.
Sa Narvacan, Ilocos Sur, naging lawa naman ang mga dating palayan matapos umabot hanggang baywang ang tubig-baha.
READ NEXT
Not peace but division
MOST READ
LATEST STORIES