Digital vampire serye ni Jasmine may season 2 na

jasmine curtis smith

HINDI sinipot ni Felix Roco ang pocket interview niya bilang bagong leading man ni Jasmine Curtis-Smith sa “Forever Sucks 5” ng DS5Studio kahapon kahit may kumpirmasyon na dadalo siya.

Pinalitan ni Felix si JC Santos na unang leading man ni Jasmine sa unang season ng digital show. Ayon sa head ng D5 Studio Vice President and Head na si Lloyd Manaloto, naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa D5Studio mula nang i-launch ito last year dahil na rin sa kakaibang konsepto at format ng show.

Magsisimula ang season 2 ng “Forever Sucks” sa Oct. 31 na may bagong twists at surprises sa pagpasok ni Felix.

Ayon sa co-stars ni Felix sa show na sina Gab Pangilinan at Gio Gahol, chill lang daw sa set ang aktor. Wala silang naging problema dahil focus sa kanyang naiibang roles.

“Felix is a new hiree sa call center. Pero more introverted siya. They hate each other,” sabi ng head ni D5Studio na si Anne Biagan, Head of Digital Lab 5 Studio. Mapapanood din ito sa YouTube at sa digital format.

Ang nabago sa season two ng programa, hindi na ito weekly kungdi isang latagan lang na magkakasunod na episodes simula sa Haloween and then susunod na week na ang kasunod.

“Mapapanood ninyo kung ano ang nangyari kay JC but we are happy for him,” sabi pa ng head ng programa.

Read more...