PINAHIRAM si Maine Mendoza ng anklet ng pinsang si Dhurizz (Wally Bayola) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon. Gamitin daw niya ito sa araw ng kasal nila ni Alden Richards ngayong Sabado, upang makumpleto ang sinasabi pag may kasalan na dapat ay merong gamit na, “something new, something old at something borrowed” ang isang bride to be.
Eh, nang mag-suggest si Dhurizz kay Meng na dapat sumailalim siya ng (acting) workshop bago ang kasal, tugon ng phenomenal star, “Hindi ubra ang workshop sa kasal kasi totohanan dapat ang mangyayari!”
Kantiyaw ni Allan K kay Meng, “Hala, totohanan na ba, Maine? Ha! Ha! Ha!”
Gulat si Maine at dedma na hindi narinig ang kantyaw ni Allan, huh! So, AlDub Nation, ngayong Sabado na ang pinakahihintay ninyong kasalan nina Alden at Maine!