P2K SSS pension hike lusot na sa Senate panel

sss1

LUSOT na sa Senate committee on government corporations and public enterprise ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P2,000 ang tinatanggap na pension ng mga pensionado ng Social Security System (SSS).
Ayon kay Senador Sen. Richard Gordon na siyang chairman ng komite, kasamang inaprubahan ang panukala ng committee on labor, employment and human resources development, health and demography, and finance ang P2,000 karadagang pensyon na unang tinanggihan ng nakaraang administrasyong Aquino.
Kumpiyansa si Gordon na masisimulan ang pagtalakay sa panukala sa plenaryo sa susunod na buwan.
“The passage on committee level of the bill granting a P2,000 across-the-board increase in the SSS pension is our early Christmas gift to the 1.9 million SSS pensioners,” sabi naman ni Sen. Cynthia Villar.
Matatandaang ipinasa ang panukala noong nakaraang Kongreso, bagamat na-veto ang P2,000 dagdag pensyon ni dating pangulong Noynoy Aquino.

Read more...